#pov — Siya ‘yung tipong sound effects free download

By j.ong__

18 Downloads

3 weeks ago

24 seconds

j.ong__ Sound Effects

About #pov — Siya ‘yung tipong Mp3 Sound Effect

#pov — Siya ‘yung tipong hindi magaling sa words, pero solid sa actions. Nakatayo ka lang sa gilid ng mini setup n’yong party sa backyard, hawak ‘yung phone mo pero hindi para mag-picture—nakababa lang ‘yun sa kamay mo habang pinapanood mo silang dalawa. ‘Yung anak n’yong si Zion, nasa harap ng malaking gift box. Nakalagay sa taas nun: “OPEN ME!” in bold red letters, tapos may maliit na ribbon sa gilid. Around him, may apat pang bata—mga pinsan at kalaro niya. Lahat sila nagkukulitan, nagtatalon sa excitement, parang may mini countdown silang sariling gawa. “Ano ‘yan? Ano ‘yan?” “Buksan naaa!” “Baka robot ‘yan!” Pero sa likod ng box, andun na si Jeo—hindi nagsasalita, hindi rin nag-announce ng kung ano, pero tahimik na kumilos. Wala pang may nagsasabi, pero siya na ‘yung kusang nag-angat ng takip ng box, dahan-dahan pero firm, parang alam niyang inaabangan talaga ng mga bata ‘yung moment na ‘yun. And ayun na nga. Pagkakuha niya ng takip, unti-unting lumitaw sa loob ‘yung bright blue na mini toy car. Collective “WHOA!” from the kids. Si Zion literal napatalon, tapos nag-look up agad sa’yo with wide eyes. “Mommy! Ako ba ‘yan? Sa’kin ba ‘yan?” Hindi ka pa nga nakasagot, si Jeo na agad ‘yung lumapit sa mini toy car, binuhat ng konti palabas mula sa box, tapos inayos ‘yung wheels. Nag-check siya ng battery, sinubukan ‘yung pedal, tapos may kinabitan pa siyang wire na galing sa remote. All while Zion and the other kids were jumping up and down sa paligid niya. Hindi siya pressured. Chill lang. Pero kita mong focused, parang ayaw niyang may kahit anong mali sa gamit ng anak niya. “Wait lang, Zion. Tignan muna natin kung okay ‘to, ha?” Yumuko siya para i-check kung maayos ‘yung ilalim, kinapa pa niya ‘yung seatbelt kung gumagana, tapos naglakad ng konti palayo to test the remote. All while your son was waiting, sobrang eager, pero hindi mo rin ma-blame si Jeo—gusto niyang siguruhin na safe lahat bago niya paandarin. Nang ma-check na niya lahat, saka lang siya lumapit kay Zion. “O, ready ka na?” Tumango si Zion nang mabilis, parang hindi na makahinga sa sobrang excitement. Si Jeo, tahimik lang. Binuhat niya si Zion papunta sa loob ng toy car, kinabit ‘yung seatbelt, tapos ni-lock niya gently. “Okay. Ako muna magda-drive gamit ‘tong remote, ha. Tapos mamaya ikaw naman. Pero dahan-dahan lang, hindi ‘to pang-race.” Napatawa ka na lang habang pinapanood mo silang dalawa—isang batang sabik, at isang ama na tahimik pero siguradong binibigay lahat. Hindi niya kailangang sabihin na mahal niya ‘yung anak niyo. Hindi niya kailangang mag-explain ng sobrang dami. Kasi ‘yung actions niya, solid na. From the way he carried the toy car out of the box, to the way he checked every corner like a pro, to the way he put your son in the seat with that tiny proud smile—lahat may meaning. Lahat may care. Lahat may love. At habang nagda-drive na si Zion around the backyard, hawak-hawak ni Jeo ‘yung remote with full attention, napaisip ka na lang— Wala man siyang madaming sinasabi, pero sa kanya mo talaga unang nakita kung ano ‘yung ibig sabihin ng “present dad.” And you couldn’t ask for anything more. #fyp #jeo #ongfam
#pov — Siya ‘yung Tipong Sound Effects Free Download. Sound Effects Downloader To Help You Download The Highest Quality #pov — Siya ‘yung Tipong Sound Effects Free Download For TikTok Videos. You Just Search Sound Effects And Download.

My You Like It