#pov — Married life with sound effects free download

By j.ong__

14 Downloads

3 weeks ago

32 seconds

j.ong__ Sound Effects

About #pov — Married life with Mp3 Sound Effect

#pov — Married life with Jeo (Part 2) Naglalakad kayo sa bukid habang hawak ni Jeo ang kamay ng anak niyo, at ikaw naman nasa tabi nila, kinukuhanan sila ng picture kasi ang cute nilang mag-ama. “Mommy! Look oh!” sigaw ng anak mo habang sabay silang tumalon ni Jeo sa maliit na pilapil. Napailing ka na lang sa kanilang dalawa. “Baka madapa kayo, ‘oy!” sabi mo, pero nagtawanan lang sila. Si Jeo pa mismo ang unang nang-asar. “Relax lang, mi. Marunong ako mag-alaga,” sabay kindat pa niya na parang hindi siya kabado kanina nang muntik madulas yung bata. Pagkatapos ng lakad, tumambay na kayo sa kotse na nakapark. Binuksan ni Jeo yung pinto at naglabas ng mga pagkain na pinrepare niyo kaninang umaga. Umupo kayo sa gilid ng kotse, picnic style. “Akin na ‘yan, ako na magbabalat,” sabi ni Jeo habang kinuha niya yung prutas na hawak mo. “Baka ma-slice mo pa sarili mo.” “Tignan mo ‘to, parang di mo ko kilala,” balik mo sa kanya. “Kilalang-kilala kita, kaya nga ako na,” sagot niya sabay abot sa’yo ng juice. Habang kumakain kayo, sumandal ka sa balikat niya. Ramdam mo yung init ng araw pero ang presko ng hangin, plus yung tawa ng anak niyo habang naglalaro sa harap niyo. “Tingin mo, love… kapag nagka-baby girl tayo next time, ganito ulit?” tanong ni Jeo bigla. Napatingin ka sa kanya. “Next time agad?” Ngumisi siya, sabay halik sa noo mo. “Wala lang, ang saya lang kasi. Parang ganito talaga yung gusto ko—simple lang, basta kasama ko kayo.” Tumingin ka ulit sa anak niyo na tumatakbo pabalik sa inyo, hawak ang maliit na bulaklak. At sa moment na ‘yon, alam mong tama si Jeo. Simple lang, pero ang buo-buo ng puso mo. #fyp #jeo #ongfam
#pov — Married Life With Sound Effects Free Download. Sound Effects Downloader To Help You Download The Highest Quality #pov — Married Life With Sound Effects Free Download For TikTok Videos. You Just Search Sound Effects And Download.

My You Like It