‎So today, habang naghihintay ako sound effects free download

By hushscentzzz

0 Downloads

1 weeks ago

0 seconds

hushscentzzz Sound Effects

About ‎So today, habang naghihintay ako Mp3 Sound Effect

‎So today, habang naghihintay ako sa school ni Naomi, may isang batang babae na pala kanina pa ako tinatawag. Nakaupo ako noon, busy sa pagbukas ng isang pirasong mamon. Halos kalahati na ang nakakain ko nang marinig ko ang maliit niyang boses, mahina pero malinaw humihingi siya ng mamon. ‎ ‎She was thin, kita mong pagod at halatang gutom. Lunch time na rin kasi. Sabi niya, isang oras na siyang naghihintay sa waiting area para sunduin. Medyo hesitant pa ako nung una na ibigay yung kalahati kong mamon, pero sabi niya okay lang daw kahit yun lang. ‎ ‎Kinausap ko siya habang kumakain siya. Grade 1 siya same age ni Naomi pero mas malaki pa rin tingnan si Naomi. May kung anong lungkot na kumurot sa puso ko, pero di na ako masyadong nag-usisa. Sabi ko na lang, “Stay ka lang dito para madali ka makita ng susundo sayo.” ‎ ‎Napansin ko, binalot niya ulit yung kalahating mamon na binigay ko. Tinatanong ko siya kung bakit di niya inuubos, umiinom muna siya ng tubig bago sumagot: ‎ “Ayan na po si Papa… sa kanya na po ito, baka kasi di pa niya natitikman yung ganitong mamon.” ‎ ‎Pagtingin ko sa direksyon na tinuturo niya isang lalaking naka-wheelchair, parehong paa ay pilay. Kita mong improvised na lang ang gulong, may mga plastic straw at kahoy na parang DIY repair. Mabilis siyang tumakbo papunta sa Papa niya, dala yung mamon. ‎ ‎Boom. Tumama talaga sa puso ko yung eksenang yun. Yung simpleng paghati ko sa mamon, naging buong merienda para sa tatay niya. ‎ ‎Pag uwi namin, dala ko yung bigat at init sa puso kasi narealize ko ulit kung gaano tayo kabless, kahit gaano ka-stress, kahit gaano kaliit ang tingin natin sa meron tayo. Minsan, yung para sa atin “kalahati lang,” para sa iba ay “buo na.” ❤️ #tiktokph #fyp #viral ‎ ‎
‎So Today, Habang Naghihintay Ako Sound Effects Free Download. Sound Effects Downloader To Help You Download The Highest Quality ‎So Today, Habang Naghihintay Ako Sound Effects Free Download For TikTok Videos. You Just Search Sound Effects And Download.

My You Like It