❝ ANG TAMANG PAGSUOT NG sound effects free download

By bainaondong24

1 Downloads

13 months ago

0 seconds

bainaondong24 Sound Effects

About ❝ ANG TAMANG PAGSUOT NG Mp3 Sound Effect

❝ ANG TAMANG PAGSUOT NG HIJAB ❞ Akala mo ba ang hijab ay ang pagtatakip lamang ng buhok mo? Nagkakamali ka. Ang hijab ay may mga kondisyon. Hindi matatawag na hijab (pagtatakip) ang suot mo kung hindi naaayon sa kondisyon nito. 1) Ang hijab sa ulo ay takip mula ulo hanggang dibdib at natatakpan ang paa Hindi po buhok lang. 2) Hindi dapat nakikita o nalalantad ang Awra, ang leeg, batok o dibdib, paa, etc Hindi po hijab ang pagsuot ng turban, bonnet o hoodie. 3) Maluwang, hindi bakat. •Hindi dapat kita ang porma, hulma o hubog ng iyong katawan, marapat na Mahaba, hindi kaakit-akit, at maluwang na damit. •Hindi mo matatawag na tamang hijab (pagtatakip) ang pagsuot ng T-shirt, fitted long sleeve, leggings, pantalon o fitted dresses. Ang hijab ay hindi lamang pagtakip ng iyong balat, ito ay ang pag takip ng hubog ng iyong katawan. 4) At sa paglabas mo ng iyong bahay o tuwing kaharap mo ang iyong non-mahram, takpan mo ang iyong sarili sa kung ano ang naaayon. Dahil kabilang yan sa hijab. Huwag basta basta makihalubilo sa mga kalalakihan. 5) Walang perfume. Ito ay haram, at inihahalintulad ito sa gawaing zina. Ang Propeta ﷺ ay nagsabi: "Ang sinumang babae na naglalagay ng pabango at dumaan sa mga tao upang maamoy nila ang kanyang samyo ay isang zaniyah" Narrated by Imam Ahmad (19212) and al-Nasaa’i (5126) Ito ang mga daleel: Bilang isa sa mga menor na palatandaan bago ang Araw ng Paghuhukom, nabanggit ng Rasul Allah ﷺ: "Magkakaroon ng mga kababaihan na nakabihis ngunit (parang) hubad sila. Ang kanilang mga ulo ay magiging parang mga umbok (sa likod) ng kamelyo. Hindi nila sila makaka pasok sa Jannah at ni hindi maaamoy ang bango ng Jannah habang maaamoy ito mula sa isang malayong distansya." [Sahih Muslim] At sinabi ni Imam Adh-Dhahabi (رحمه الله): "Kabilang sa mga gawain na isinusumpa ni Allah ang babae ay sa tuwing sya ay naglalantad ng kanyang kagandahan, nagpapabango tuwing lumalabas, at nagsusuot ng matitingkad na damit." [Kitaab Al-Kabaa'ir] Sinabi ni Allah: "At sabihin sa mga naniniwalang kababaihan na ibaba ang kanilang paningin (mula sa pagtingin sa mga ipinagbabawal na bagay), at protektahan ang kanilang mga pribadong bahagi (mula sa iligal na sekswal na kilos) at huwag ipakita ang kanilang palamuti maliban lamang sa kung ano ang hayag (kamay o mukha lamang, o kamay at mukha maliban sa mga mata upang makakita), at ibaba ang kanilang mga belo sa buong Juyoobihinna (ibig sabihin ang kanilang mga katawan, (mukha), leeg at dibdib) at huwag ihayag ang kanilang palamuti maliban sa kanilang mga asawa, o kanilang mga ama, o mga ama ng kanilang asawa, o kanilang mga anak na lalaki, o mga anak na lalaki ng kanilang asawa, o kanilang mga kapatid na lalaki o mga anak na lalaki ng kanilang kapatid na lalaki, o mga anak na lalaki ng kanilang kapatid na babae, o kanilang (Muslim) kababaihan (ibig sabihin ang kanilang mga kapatid na babae sa Islam), o ang (mga babaeng) alipin na taglay ng kanilang kanang kamay, o matandang lalaking alipin na kulang sa sigla, o maliliit na bata na walang pakiramdam na sekswal. At hayaan silang huwag magtatak ng kanilang mga paa upang maihayag kung ano ang itinago nilang mga palamuti. At lahat kayo ay hilingin kay Allaah na patawarin kayong lahat, O mga naniniwala, upang kayo ay magtagumpay” [al-Noor 24:31] Ang mga patunay ay nariyan mga kapatid kong muslimah, kaya iwasan na maghanap ng butas. Mas matimbang ang mga daleel kaysa sa kung ano mang dahilan natin. Ang hijab ay malaking Ibadah kaya ito ay huwag maliitin. Wallahi aking mga kapatid, hindi ako nakikinabang dito, ito ay isang malalim na paalala na ang ating hijab ay hindi isang laro. Oo lahat tayo ay nagsisimula sa isang hakbang ngunit tungkulin mong kumilos sa mga bagay at hindi lamang balewalain ang mga ito. Kaya kahit dahan dahan, ayusin mo ang hijab mo at mararamdaman mo ang habag ni Allah sayo. Padaliin nawa ni Allah sa atin lahat. Tandaan hindi baguguhin ni Allah ang tao hanggang hindi niya binabago ang kanyang sarili Kaya mga kapatid na muslimah habang may pan
❝ ANG TAMANG PAGSUOT NG Sound Effects Free Download. Sound Effects Downloader To Help You Download The Highest Quality ❝ ANG TAMANG PAGSUOT NG Sound Effects Free Download For TikTok Videos. You Just Search Sound Effects And Download.

My You Like It